ang mga blog ko ay di mawawalan ng mga posts na puno ng kapraningan...
sadyang baliw nga talaga ako!
paranoid delusional psycho nga!
kanina...ayun..nagtungo kaming g4...
facis and campers' U.B.E. (ultimate bonding experience) ito!!!
hehe..timezone..superbowl...salamat kay kuya ejay!!! hapi!!!
pero grabe..e dumiretso ako kanina sa g4 at nauna..kaya nagtungo ako ng national bookstore...
halos maglalaway na ako sa ultimate guide to x-men..
crime and punishment...at a portrait of an artist as a young man...for 99 pesos pareho..
magandang kopya ng after eden..hehe...
kumpletong edgar allan poe..
at mga librong gusto ko sanang bilhin at basahin kung may pera lang sana ako..
pero dahil kakaunti lang dala ko...ayun...
pero masaya talagang kasama ang mga facis at campers!!!
kwela! asaran! kodakan!
iya? lougee? asan na kayo?
hehe..
ayun..hirap nito ha..
kakaiba nga ang coed environment...
haha..i mean pag kasama mo ay halos kasing edad mo, mas bata ng isang taon, mas matanda ng isa hanggang tatlong taon...hehe...PEDO!!!! (di tulad ng barracuda na ako ang pinakabata sa grupo...)
haha...
CRADLE SNATCHERS 2!!!! (hehe..1 ung sa summer camp e..hehe...)
daming nabuong love teams..hahaha...
pero siyempre...exempted ako diyan! haha..hirap kong i-classify e...haha...
saya!!!
nakakapraning...bakit?
ewan ko..kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko e..di mo naman ako masisisi...kasi di ako sanay sa ganitong kapaligiran...haha..
may mga bagay na parang mapapawari-wari ka..pero ayoko nang pagnilay-nilayan pa...mas maprapraning ako..gusto ko..pabayaan nalang...kung mangyayari ang kapraningan ko..di mangyayari...pero kung hindi..sayang naman ung oras na nalaan sa pagiging praning ko di ba...
so....i will just remain oblivious...to free myself from paranoia...
ayoko na e...
haha...oo nga pala..pauwi, kasabay ko si gil sa mrt papuntang cubao..hinatid ko siya sa gateway sa lrt station doon..haha...ang gentleman ko noh! haha...ganyan ang ate! haha...kuyate pala...haha...
eto pa..
tanga ka cori! isa kang malaking hangal!!!
napanood ko nga pala ung bagong vid ng mayo..ung bakit part 2...
sinabi ko sa kanya na di pa rin nililikha ang katulad ko na parang timang...
at di mo pa rin maintindihan..
panama masyado!!!
at pagsapit ng gabi..ayun...siyempre online nanaman ako...
at check ng mail...
pagkakita na pagkakita..
una kong binuksan ay ung mensahe niya...
at ayun...minuramura ko nalang sarili ko...
gago ka cori!
bakit kasi e...
hari ka ng katorpehan cori!
namamatay na ang mga rosas sa tabi...di ka pa rin bumibili!
e ano nga naman ang mga rosas..namamatay nga di ba...
mabubusog ka ba? buti pa tsokolate! haha..
i can see you as you are..the times that we spent together..are the happiest by far...
remember me tomorrow as the days pass by..i wonder why you're so far and i ask you why...
too bad we could not be like normal friends..
too bad we had to end this way..
be certain i will never forget you...
i guess that it's time we say goodbye...
now i hear the questions inside my head...
it takes a lot of pressure to ignore instead..
i'm waiting for the righ time to be with you..
another chance forme to say i love you...
you're so far away..lift me up or tear me apart...
apektado pa ba?! kala ko tapos na e...di pa pala...
akala..akala..mamamatay na ako sa sobrang daming beses na ako'y nag-akala...
akala na tapos na..akala na ako'y bato na..akala na blangko na...akala na naglaho na..
hindi pa pala...
buti pa si aci..may bago...
ako kasi..hirap..lahat nalang..walang nagparamdam sa akin tulad ng napadama niya sa akin..
di man niya sinasadya o naisin...
ika nga sa after eden ni arnold arre..sa ikalawa sa huling pahina..(paraphased and tagalized)
ang mahulog para sa isang tao ay di inaasahan...
basta basta nalang yan darating...
palibhasa..nung nakilala ko siya di ko pa inkalang mangayayari sa kin un..
ayan nanaman ang akala...hmph..
e sa ngayon na alam ko na..mahirap nang mahulog pang muli...
kaya inuunahan ko na pigilan agad ang kung anumang masimulan...
ano nga ba ang mas malaking kahangalan...
ung di ka matuto sa dinanas mong pagdurusa sa pag-ibig kaya iibig kang muli...
o ung alam mo nang wala kang mapapala kundi pagdurusa sa pag-ibig pero dahil mahal mo siya..patuloy mo pa rin siyang mamahalin...?
parang pareho lang...kasi nagmamahal kang nakapikit ang iyong mga mata at naglalakad sa makitid na tulay na punong-puno ng mga pako...
ayokong maging tanga....pero un din ang aking kahahantungan kung ipagpapatuloy ko ang kahangalang ito...
Wednesday, May 04, 2005
4:24 AM - nakakapraning...
© Perfecto D. Mapantayan 2005 - Powered for Blogger by Blogger Templates